KALAYAAN?

Pilipino tayo.

Binigyan ng Maykapal ng pambansang wika: ang Tagalog.

Ngunit bakit ba ako nagpapakahirap sa pagsusulat ng Ingles kung wala namang masyadong tumatangkilik?

Panahon na upang tapusin ang paghihirap at pagdudugo, halina’t tangkilikin ang sariling atin!

(pahayag ng manunulat ng isang naluluging paskilan)

Abril 26, 2009. addictus, bored, buhay sa labas ng realidad, my own business. Mag-iwan ng puna.

Math 53 ulet.

Naipasa ko ang kauna-unahang major ko: Math 101. Lahat naman sa amin e nakapasa.

Ginising ako ng alarm ko. 6:00. Hindi ako bumangon kaagad. Pero hindi ko hinayaang makatulog ulit, kasi baka mangyari na naman ang nangyari dati.

Nag-almusal, naligo, nagbihis. Hindi ko gaanong dama ang kaba, kasi tingin ko’y sapat naman ang pagrereview ko.

Unti-unti kong tinahak ang matarik at pataas na daan patungo sa unibersidad.

Pagdating sa KA bldg., nagreview ng kaunti, nagsolve, nagmemorize. Handa na nga talaga ako.

Exam. Napagtanto kong hindi pa pala ako gaanong handa. Habang pilit kong linuluwagan ang mga buhul-buhol sa pitong problems, lalo ko pa palang dinadagdagan ang buhol nito.

1. Using the definition of derivatives (naka-bold yan), show that x^ (x raised to two-thirds) =2/3^ (tw0 over three raised to one third).

2. Given the function f(x)=(piecewise defined) *x^2 -7 if o≤x≤b *6/x if b<x; (a) find b so that the function is continuous at b,…(hindi ko na alam yung katuloy)

Grabe. Ang saya naman ng long exam na ito. Sasapat kaya ang score ko dito para “pambawi” sa unang exam na bagsak? hay…

Mambabasa, kapag nakapasa ako dito, ililibre kita. Totoo yun, planado na nga ang lahat, ang kailangan ko na lang malaman ay yung score ko. Abangan mo na lang ang lahat sa next post.

Enero 19, 2009. addictus, akads, math layp, my own business. 3 mga puna.

Agsasau ak manen.

Manong at manang, nais ko lang ibahagi ang mga nangyari sa akin ngayong taon:

Enero High school. Isang linggong pag-aayuno (na sinukuan ko rin kaagad).
Pebrero Balentayms. Power tripping ni Ma’am Aniana. Paghahabol ng mga requirements at extra curricular activities.
Marso Pagpapraktis ng graduation sa katirikan ng araw.
Abril Ang mismong graduation ceremony. Pangungulit sa UP na papasukin ako. At pangangalap ng iba’t ibang requirements sa enrollment.
Mayo Enrollment. Paghahanda sa pagtira sa bundok. Campus Harvest 2008.
Hunyo Simula ng second sem.
Hulyo Ipinanganak si Pia, anak ng aking kabahay.
Agosto Freshie night.
Setyembre Padigo (pagsasalu-salo ng mga freshies). Umpisa ng online preenlistment para sa second sem.
Oktubre Pagdagsa ng mga finals. Pagtatapos ng unang sem. Sembreak! Pagdalaw sa at ng iba’t ibang mga kaibigan.
Nobyembre Enrollment at simula ng ikalawang sem. Sem opener ng ENCM.
Disyembre Alumni homecoming. Pasiklaban. Birthday Niya. Birthday ko. Birthday ng kuya ko.

Patapos na ang taon. Napakaraming nangyari. Pero parang andaming kulang. At parang nasayang ko lang ang taong ito. Marami akong hindi nagawa.

Ngayon ay nagbabakasyon ang aming pamilya sa probinsya. Lumalabas na naman ang pagiging pasaway ko. At gabi-gabi na lang ay may nananakop sa utak ko.

“L….n l…..n……..l…………..n… …ooooooooooooo…….baaaa….”

Hay, madalas ko nang ipinagdarasal na matigil na ito, kasi unhealthy na.

 

Agtalna kan. Kailangan ko nang magbago. Hindi ko na ibibigay sa iba pang mga bagay ang panahon na dapat ay sa Kanya. Hindi pa naman huli.

Disyembre 29, 2008. gray scribbles, my own business. 4 mga puna.

Math 53.

Ika-8 ng Disyembre.

Past 6. Pinatay ko ang alarm kahit hindi pa ito tumutunog. Alas-dyes pa naman ang long exam. Sinulit ko ang sarap ng aking pagtulog.

7:30. Isang kakilala ang nagtext sa kabahay ko. Papunta na raw siya sa eskwela. Dahil sa exam. Lagot na. Alas-otso pala ang exam. Pero nagpatuloy pa rin ako sa pagtulog.

Bumangon na ako nang mag-aalas-otso na. Walang liguan. Walang laman ang tiyan. Nagbihis, inayos ang buhok na ginulo ng aking pagtulog, nagsepilyo. Pumunta na sa eskwela habang binabasa ang summary ng chapter 1 ng TC7. Bahala na.

Dumating ako sa IB104. Nag-eexam na ang lahat. Inabutan ako ng blue book at test questionnaire. Nag-umpisa na ako.

Nararamdaman ko ang paulit-ulit na nilalatigo  ang utak ko habang binabasa at sinusubukang sagutan sa utak ang mga tanong.  Grabe, nosebleed.

Nakaengkwentro ako ng mga tanong na mukhang imposibleng sagutan. Nabubugbog na ang utak ko.

Unti-unting nadudurog ang utak ko habang pinipilit kong tapusin ang pagsusulit. Nauubusan na ako ng dugo.

Kinailangan na akong maconfine sa ospital pagkatapos ng exam. Pero tiniis ko na lang kasi kasalanan ko rin naman iyon at me pangalawang long exam pa naman.

Heheh… 😆

Disyembre 8, 2008. akads, my own business. 6 mga puna.

Alma mater, new cellphone, continuing boredom.

Last friday, I had set a time to visit RHS, 2:30 in the afternoon, the time where most classes are dismissed. But 2:30 turned to 3:30 because I was just so tired to set things over. Upon going and touring the campus, I became disappointed because some workers inside stared at me like “miss, anong ginagawa mo dito?” Oh maybe I haven’t found any alumni who would accompany me. So I promised to myself not to visit that school anymore except when copies of the yearbook have been released or when someone would force me to do so.

I was also thinking of visiting a friend who spends that moment at a certain place near RHS. I’ve changed my mind later on because he would be busy on some things and he may not have ample time to talk.

Yesterday our parents brought us to MOA to buy new cellphones for me and my elder brother. We went to Motorola and bought Moto W388 for me.

Motorola W388

Motorola W388

Though it doesn’t contain features like of Motorazr, Motorokr and the like, I am grateful because it may still replace my lost mp3 player.

November 11 may be near, yet so far. It may be near when checking it on the calendar but so far when those days before 11 are spent in Pasig. Even the unlimited internet access could not break the feeling of “nababato” or “batung-bato.” I can wait no longer ’till the opening of the second semester. Arrgh!

BTW, I want to bid “see you next time” to Pasig pips. Tomorrow’s dawn I’ll have a trip back to Baguio. Regarding of your pasalubongs, well I don’t know if I’ll have enough money to buy those… but I’ll just wait for 44 days more for this worldwide’s grandest celebration. Advanced Merry Christmas everyone. (and advanced happy birthday to me!!! Don’t forget my gifts!!!)

JellyMuffin.com - The place for profile layouts, flash generators, glitter graphics, backgrounds and codes

Nobyembre 9, 2008. addictus, aieee, bored, gray scribbles, my own business. 3 mga puna.

Ang madugong proseso ng ENROLLMENT.

November 3 Monday. 9 ng umaga. Tumigil ang bus sa harapan ng UP. Bumaba ang isa kong kaeskwelang nakasabayan ko sa biyahe. Pero sarap na sarap pa ako sa aking kinauupuan.

Umandar ang sasakyan. Dumiretso. Tapos kumanan. at tumigil muli sa terminal. Kahit na tinatamad pa akong tumayo, hindi na rin ako nakatiis. Bumaba sa bus kasama ang bagahe at kuya, nagpara ng taxi at umuwi sa boarding house. Pagdating sa bahay, ibinaba ang mabigat na binubuhat, nagsepilyo at nag-ayos ng sarili. Maligayang umalis ng bahay, at iniisip na kaunti pa lang naman siguro ang tao sa skul.

Fresh from biyahe. Amoy suka (vomit… yuck!) pa. Sa opisina ng CS, kung saan kinukha ang clearance, sinalubong na ako kaagad ng napakahabang pila. Sa halip na mag-inarte, pumila na lang ako. 9:15. 9:18. 9:22. 9:44. 9:47. Sa wakas ay umandar na rin ang pila. 9:54. 10:12. 10:30.Bigla nilang inanounce na bumalik na lang kami ng 1:30. Grabe, akala ko, makakaabot pa ako. Binigyan kami ng numbers na nasa puting papel para hindi magbago ang order namin sa pila. Ayos, makakakain na ako.

Pagkatapos kumain, umikot-ikot kami ng mga kasama ko para icheck kung may mga announcements. Wala naman. Bumalik na kami sa pila. Nakita namin ang ibang mga estudyante doon na may hawak na maliit na papel, may nakasulat na numero, pero green ang kulay. Nalaman na lang namin na invalid ang ibinigay na papel kanina bago ako kumain. Kaya kumuha ulit kami ng panibago. “53” ayos, naabante ako ng 43. Mahaba pa ang time bago mag-1:30 kaya nakipagchikahan muna ako sa kung kani-kanino.

1:15. Pumila na ang mga estudyanteng naroroon. Dalawa ang nabuong pila. Isa sa white, isa sa green. Ang iba, kahit na may green na papel, sa white sila pumila kasi mas abante ang numero nila. Pinapasok na ang unang 100 na estudyante. Akala ko, makakapasok na ako. Pero nakita nilang may 15 pang puwedeng pumasok. Kaya nakapasok na rin ako.

Sa loob ng MPH, may pila pa rin! Ang kinaiba lang, nakaupo ang mga nakapila. Ang tagal. Unti-unting umandar ang pila. At dahil mas prinioritize nila ang may hawak na green na papel, mabilis akong nakaabante sa pila. At nakuha ko na rin ang clearance ko, pero hindi pa ako cleared. Hinihingi pa nila ang pirma galing sa OSFA dahil nagloan ako noong first sem at nabayaran ko na. Pumunta ako sa OSFA. Hindi nila narecord na paid na ako. Kaya hiningi nila sa akin ag resibo. Wala sa akin. Itetext ko sana ang mama ko para alamin ang OR # ng resibo, kaso wala akong load. Wala ring nagloload sa canteen. Kaya  nag-umpisa na akong mabaliw. Paano na yan? Karamihan rin ng mga taong napagtatanungan ko, wala ring load. Ngunit nakatagpo rin ng  pag-asa! Nakakita ako ng isang kaibigan sa walkway ng IB, may kapit-kapit pang form para sa kanyang removals sa isang core course na na-4.00 niya. Ibinalita niya rin na bagsak siya sa Math17. Tinulungan niya akog textan ang mama ko. Ambaet niya talaga.

Pinuntahan ko ulet ang OSFA dahil naitext na ng mama ko ang OR #. Natagalan ako dahil sa isang estuyante doon na nag-aapela pa. Nakuha ko na rin ang pirma galing sa kanila. Langit talaga! Bumalik na ako sa MPH at ok na ang clearance ko. Pumila naman ako para makuha ang TCG, admission slip at form 5a. Matagal man, pero sanay na ang pasensya ko.

Sunod ko namang pinuntahan ang adviser ko. Kulang pa ako ng 3 units. Naghanap pa ako ng isang GE. Wala nang slots ang mga nasa wishlist ko. Kaya wala na akong choice kundi kunin ang GE na ipinilit lang sa akin ni Ma’am Ramoya. Eto na ang nabuo kong schedule:

Time

TTh

WF

9:00-10:00

 

PE1

10:00-11:30

Philo27

 

11:30-1:00

Hist3

1:15-2:30

Math53

Math53

2:30-4:00

MS11

 

4:00-5:00

Math101 lab

Math101 lec

5:00-5:30

 

Anung ginagawa ng Philo27 dyan? Napilitan lang akong kumuha niyan dahil wala na talaga akong choice. Kesa naman kumuha ng Kom2 at Kom1 na pangit ang schedule, o kaya ay sirain ang nabuo ko nang schedule. Sayang naman.

Kumuha na ako ng form 5, finillup-an at pinapirmahan sa adviser ko. Pumila na ako sa audi para sa checking at assessment ng form 5. OMG! Mahabang pila na naman! Mabilis namang umandar ang pila. Kaso nagsara na sila. Kaya ipagpapabukas na lang.

7:00 kinabukasan, ang haba na ng pila sa audi. Pumila na ako at nag-abang ng 8:00. 8:15 na sila nag-umpisa. Marahang umandar ang pila. At biglang turn ko na pala. Natapos ako ng 9:00. Sunod na doon ay bayaran na ng tuition. E wala pa akong pambayad, kaya umalis na ako at naghanda na lang para sa biyahe ko pabalik ng Pasig. Babalik na lang ako ‘pag may pambayad na ako. 😆

Nobyembre 5, 2008. akads, gray scribbles, my own business, oble. Mag-iwan ng puna.

Paturo naman ng Photoshop.

kitang-kita ang gawa ng aking makakating mga kamay. pinagpraktisan ko ang "blue hills" na nakasave sa sample pictures.

para lang akong grade one na nag-aaral magdrowing

Kita naman sa larawan kung ano ang pakiusap ko. Marami pa rin akong tanong tungkol sa Photoshop. Paturo naman… please!

Oktubre 30, 2008. addictus, bored, gray scribbles, my own business. 7 mga puna.

“Oooh, vee-see-tohr!”

Matatawag pa bang pagbisita ang senaryong ito?

Inayos ko nang bahagya ang aming tahanan. Dahil isang bisita ang aking aabangan. Isang kamag-aral noong sekundarya. Hindi na ako nag-abalang maligo, mag-ayos ng sarili o maghilamos man lang kasi baka hindi naman dumating.

And what a surprise! Isang babaeng naka-pink na blusa, jeans at rubber shoes ang dumating at nag-abang sa labas ng bahay. Abalang-abala ako noon sa aking friendster career, maya’t maya ay tinawag ako ng mga kapatid ko, andyan na raw ang bisita ko. Grabe, sira ang concentration ko! Pinuntahan ko ang bisita ko. Pinapasok, pinaupo at pinansin ko ang backpack niyang malaki, mas malaki pa ata kesa sa bagahe ko noong umuwi ako galing Baguio.

Speechless ang bawat panig. Ako, kasi napaso ang dila ko noong lunch. Siya, kasi natawa siguro sa bangs na nakakalat sa noo ko. Nagkuwentuhan naman, tapos nilabas niya ang kanyang bagung-bagong mp5. Kinuhanan niya ako, hindi ko alam kung bakit.

Natuloy ang kuwentuhan. Napag-usapan namin ang tungkol sa ilan sa mga dati naming kaklase. Sinama na rin namin ang ilan sa mga bloggers ng wp.

Dumating ang aking itay. “Alis na ‘ko,” bigla niyang paalam. Pinigil ko, pero wala na rin akong nagawa. Mukhang bored na siya sa ambience ng bahay, pati sa ambience ng kaharap niya. Sinamahan ko na siya papunta sa sakayan ng dyip.

Grabe, parang tinderang door-to-door lang, ang pinagkaiba lang e sa amin lang nagbenta at nakiupo pa! Tindera ata ng mp5. Heheh.

Buti hindi niya naalala yung barrel man na hinihingi niya. Nakalimutan ko kasing bumili. Whew!

Oktubre 27, 2008. bored, loner, my own business. 3 mga puna.

Balik bayan.

Ilang araw na rin ang nakalipas mula nang dumating ang isang bus galing ng Baguio, sakay ang ilang mga estudyanteng magbabakasyon.

Damang-dama ko noon ang kaginhawaan dahil sa wakas ay makakauwi na rin ako sa aking pinnggalingang lungsod, at makakamusta ko na ang mga taong hindi ko nakapiling sa halos limang buwan.

Kinabukasan ng gabi ay binuhos ko ang aking oras sa pag-oonline. Dalawa sa aking mga kaibigan ag akig naka-“chat”, at hindi ko rin mabilang ang dami ng mga komento sa akin mula sa aking mga kaibigan.

Kinaumagahan, nag-log-in ako sa CRS para malaman ang mga grades ko noong nagdaang semestre. Nagulat ako dahil hindi nakaabot sa 3.00 ang aking grade sa Comm1. Hay, unang taon, unang semestre. May bagsak ako. Hindi ko alam kung posible pa akong makalipat sa UPD.

Nakipagchat ako sa tatlo sa mga dati kong kaklase. Nagkamustahan. Nagkabiruan. Pinapunta pa ako ng isa sa pamantasan nila. Umayon naman ako dahil sabik ko rin silang makita.

Sumunod na araw ay pumunta ako sa pamantasan. Matagal rin akong naghintay sa labas. Mabuti’t nakita ko si Wilvin. Inaya niya si Lloyd. Nagkakuwentuhan kami, nilibre ko sila ng shake. Sunod ko namang nilapitan sina Lorenzo, Janisha at Marnelli. Enrollment pala nila noong araw na iyon. At nagulat ako sa balita tungkol sa dalawa sa kanila. Heheh.

Biyernes. Biglang pumasok sa isip ko ang pagbisita sa isa kong kaibigang namimeet at nakakausap ko lang virtually. E minsan ko pa lang kasi siya namimeet. Kaso nung nasa mismong lugar na ako, gusto nang umurong ng mga paa ko dahil sa sobrang hiya. Naghintay na lang ako na makita ako ng iba ko pang kakilala sa lugar na iyon. Sa wakas, nakita ako ni Fedelo. Pinapasok niya ako, pero tumanggi ako kasi nga nahihiya ako. Pinaalam niya sa kaibigang nais kong sadyain na nasa labas ako ng center nila. Hayun, pinapasok nila ako. Umatend ako ng service nila. Hindi ako masyadong naasikaso ng kaibigan kong iyon, pero ayos lang. Nagkikitapa rin naman kami online.

Nagtungo na ako sa Youth Nite. Andaming nagulat sa aking pagdating. Malamang, matagal rin akong nawala sa lugar na ‘yon. Nakamusta ko ang ilan sa mga kaibigan ko doon. Nagservice, tapos inaya nila akong mag-set-up. Namiss ko ang gawain kong iyon.

Marami pa sa mga kaibigan ko ang hindi ko pa nakikita, at may ilan naman na gusto kong taguan. Hahah 😆

CRS Online Pre-enlistment results

Makalipas ang ilang linggo ay lumabas na rin ang resulta ng aking CRS pre-enlistment. Mula sa 15 subjects,

Iniba nito ang oras ng aking Math 53, samantalang na-enlist naman ako sa iba. Nakakuha rin ako ng slot sa PE1. Ang problema ko ngayon, kulang ako ng 3 units, kaya kailangan ko pang pumila para sa isang SocSci GE.

ATBP.

Nanibago ako sa itsura ng aking paboritong laruin sa Computer, ang Free Cell. Ang cute na!

Hay, aakyat muli ako sa Baguio ng ikatlo ng Nobyembre, dahil umpisa na ng enrollment. At sa 11 na ang pasukan.

Nakakamiss ang lamig ng Baguio. Sana makabalik ako doon ng maaga.

Oktubre 25, 2008. aieee, akads, bored, gray scribbles, my own business. 4 mga puna.

sa mga nacucurious

hahah…. sorry for the inconvenience… kelangan kong burahin… baka kasi mabasa nya…

Oktubre 11, 2008. addictus, gray scribbles, my own business. 12 mga puna.

Bagong Pahina »