Ang madugong proseso ng ENROLLMENT.

November 3 Monday. 9 ng umaga. Tumigil ang bus sa harapan ng UP. Bumaba ang isa kong kaeskwelang nakasabayan ko sa biyahe. Pero sarap na sarap pa ako sa aking kinauupuan.

Umandar ang sasakyan. Dumiretso. Tapos kumanan. at tumigil muli sa terminal. Kahit na tinatamad pa akong tumayo, hindi na rin ako nakatiis. Bumaba sa bus kasama ang bagahe at kuya, nagpara ng taxi at umuwi sa boarding house. Pagdating sa bahay, ibinaba ang mabigat na binubuhat, nagsepilyo at nag-ayos ng sarili. Maligayang umalis ng bahay, at iniisip na kaunti pa lang naman siguro ang tao sa skul.

Fresh from biyahe. Amoy suka (vomit… yuck!) pa. Sa opisina ng CS, kung saan kinukha ang clearance, sinalubong na ako kaagad ng napakahabang pila. Sa halip na mag-inarte, pumila na lang ako. 9:15. 9:18. 9:22. 9:44. 9:47. Sa wakas ay umandar na rin ang pila. 9:54. 10:12. 10:30.Bigla nilang inanounce na bumalik na lang kami ng 1:30. Grabe, akala ko, makakaabot pa ako. Binigyan kami ng numbers na nasa puting papel para hindi magbago ang order namin sa pila. Ayos, makakakain na ako.

Pagkatapos kumain, umikot-ikot kami ng mga kasama ko para icheck kung may mga announcements. Wala naman. Bumalik na kami sa pila. Nakita namin ang ibang mga estudyante doon na may hawak na maliit na papel, may nakasulat na numero, pero green ang kulay. Nalaman na lang namin na invalid ang ibinigay na papel kanina bago ako kumain. Kaya kumuha ulit kami ng panibago. “53″ ayos, naabante ako ng 43. Mahaba pa ang time bago mag-1:30 kaya nakipagchikahan muna ako sa kung kani-kanino.

1:15. Pumila na ang mga estudyanteng naroroon. Dalawa ang nabuong pila. Isa sa white, isa sa green. Ang iba, kahit na may green na papel, sa white sila pumila kasi mas abante ang numero nila. Pinapasok na ang unang 100 na estudyante. Akala ko, makakapasok na ako. Pero nakita nilang may 15 pang puwedeng pumasok. Kaya nakapasok na rin ako.

Sa loob ng MPH, may pila pa rin! Ang kinaiba lang, nakaupo ang mga nakapila. Ang tagal. Unti-unting umandar ang pila. At dahil mas prinioritize nila ang may hawak na green na papel, mabilis akong nakaabante sa pila. At nakuha ko na rin ang clearance ko, pero hindi pa ako cleared. Hinihingi pa nila ang pirma galing sa OSFA dahil nagloan ako noong first sem at nabayaran ko na. Pumunta ako sa OSFA. Hindi nila narecord na paid na ako. Kaya hiningi nila sa akin ag resibo. Wala sa akin. Itetext ko sana ang mama ko para alamin ang OR # ng resibo, kaso wala akong load. Wala ring nagloload sa canteen. Kaya  nag-umpisa na akong mabaliw. Paano na yan? Karamihan rin ng mga taong napagtatanungan ko, wala ring load. Ngunit nakatagpo rin ng  pag-asa! Nakakita ako ng isang kaibigan sa walkway ng IB, may kapit-kapit pang form para sa kanyang removals sa isang core course na na-4.00 niya. Ibinalita niya rin na bagsak siya sa Math17. Tinulungan niya akog textan ang mama ko. Ambaet niya talaga.

Pinuntahan ko ulet ang OSFA dahil naitext na ng mama ko ang OR #. Natagalan ako dahil sa isang estuyante doon na nag-aapela pa. Nakuha ko na rin ang pirma galing sa kanila. Langit talaga! Bumalik na ako sa MPH at ok na ang clearance ko. Pumila naman ako para makuha ang TCG, admission slip at form 5a. Matagal man, pero sanay na ang pasensya ko.

Sunod ko namang pinuntahan ang adviser ko. Kulang pa ako ng 3 units. Naghanap pa ako ng isang GE. Wala nang slots ang mga nasa wishlist ko. Kaya wala na akong choice kundi kunin ang GE na ipinilit lang sa akin ni Ma’am Ramoya. Eto na ang nabuo kong schedule:

Time

TTh

WF

9:00-10:00

 

PE1

10:00-11:30

Philo27

 

11:30-1:00

Hist3

1:15-2:30

Math53

Math53

2:30-4:00

MS11

 

4:00-5:00

Math101 lab

Math101 lec

5:00-5:30

 

Anung ginagawa ng Philo27 dyan? Napilitan lang akong kumuha niyan dahil wala na talaga akong choice. Kesa naman kumuha ng Kom2 at Kom1 na pangit ang schedule, o kaya ay sirain ang nabuo ko nang schedule. Sayang naman.

Kumuha na ako ng form 5, finillup-an at pinapirmahan sa adviser ko. Pumila na ako sa audi para sa checking at assessment ng form 5. OMG! Mahabang pila na naman! Mabilis namang umandar ang pila. Kaso nagsara na sila. Kaya ipagpapabukas na lang.

7:00 kinabukasan, ang haba na ng pila sa audi. Pumila na ako at nag-abang ng 8:00. 8:15 na sila nag-umpisa. Marahang umandar ang pila. At biglang turn ko na pala. Natapos ako ng 9:00. Sunod na doon ay bayaran na ng tuition. E wala pa akong pambayad, kaya umalis na ako at naghanda na lang para sa biyahe ko pabalik ng Pasig. Babalik na lang ako ‘pag may pambayad na ako. :lol:

Nobyembre 5, 2008. akads, gray scribbles, my own business, oble.

No Comments Yet

Magpasimuno sa pagpuna!

Mag-iwan ng Tugon

Bakas-pabalik URI