“Oooh, vee-see-tohr!”

Matatawag pa bang pagbisita ang senaryong ito?

Inayos ko nang bahagya ang aming tahanan. Dahil isang bisita ang aking aabangan. Isang kamag-aral noong sekundarya. Hindi na ako nag-abalang maligo, mag-ayos ng sarili o maghilamos man lang kasi baka hindi naman dumating.

And what a surprise! Isang babaeng naka-pink na blusa, jeans at rubber shoes ang dumating at nag-abang sa labas ng bahay. Abalang-abala ako noon sa aking friendster career, maya’t maya ay tinawag ako ng mga kapatid ko, andyan na raw ang bisita ko. Grabe, sira ang concentration ko! Pinuntahan ko ang bisita ko. Pinapasok, pinaupo at pinansin ko ang backpack niyang malaki, mas malaki pa ata kesa sa bagahe ko noong umuwi ako galing Baguio.

Speechless ang bawat panig. Ako, kasi napaso ang dila ko noong lunch. Siya, kasi natawa siguro sa bangs na nakakalat sa noo ko. Nagkuwentuhan naman, tapos nilabas niya ang kanyang bagung-bagong mp5. Kinuhanan niya ako, hindi ko alam kung bakit.

Natuloy ang kuwentuhan. Napag-usapan namin ang tungkol sa ilan sa mga dati naming kaklase. Sinama na rin namin ang ilan sa mga bloggers ng wp.

Dumating ang aking itay. “Alis na ‘ko,” bigla niyang paalam. Pinigil ko, pero wala na rin akong nagawa. Mukhang bored na siya sa ambience ng bahay, pati sa ambience ng kaharap niya. Sinamahan ko na siya papunta sa sakayan ng dyip.

Grabe, parang tinderang door-to-door lang, ang pinagkaiba lang e sa amin lang nagbenta at nakiupo pa! Tindera ata ng mp5. Heheh.

Buti hindi niya naalala yung barrel man na hinihingi niya. Nakalimutan ko kasing bumili. Whew!

Oktubre 27, 2008. bored, loner, my own business.

Mga Puna

  1. Mary Grace ang tumugon:

    :D

    ang kyut naman. hahaha.
    hindi na ako nakakapagsulat ng ganyan. nakakatamad din kase.
    nakakatawa ung linya ng itay mo na, “Bakit nalilito ka na samin? Magkakapatid lang kami rito, ako ang bunso.” :lol:

    sana nagtagal pa ako. pagdating ko kasi sabi ni mama, “O ang aga mo yata”. kasi naman hanggang 12 lang klase ko. ngaun e hanggang 6pm. di na ako makakapunta uli ngaun. hahaha. inaraw-araw.

    kulang description mo, dapat may, “…singhot nang singhot nakaheadband at nakapony ng hello kitty at haggard na haggard. kapansin-pansin rin ang malaking eyebegs niya na dati nang malaki nung hayskul pa at lalo pa yatang lumaki pagtuntong niya ng kolehiyo…” oha oha.

  2. Mary Grace ang tumugon:

    oo nakalimutan kong hingin ung pasalubong ko. hay nako. ung barrel man ko pa. kahit man lang sana peanut brittle pinabaunan mo ko. :)

    nag-enjoy naman ako kahit sandali lang ako nagstay. thanks ha. nakakalungkot lang kasi talaga nitong mga nakaraang araw.

    namiss mo talaga ako ha! :)
    kelan nga uli ung birthday mo? dba december ka?

  3. eloiski ang tumugon:

    huwaw at nagkita talaga ang magfrendships!nakakatuwa naman!

    wala man lang akong ganyang moment sa buhay!

Mag-iwan ng Tugon

Bakas-pabalik URI