“Hay buhay.”

Ito na lang ang parati kong naririnig sa boardmate kong si (itago na lang natin sa pangalang) Prechos. Balak ko sanang bilangin kung ilang beses niya sinabi yun kaso hindi ko na alam kung kailan niya inumpisahan. Sige, uumpisahan ko next week.

Madali kasing “maburyo” (term niya sa bored) si Prechos. Nami-miss na niya ng sobra ang pamilya niya. Minsan-minsan e biglaan na lang iiyak, dahil naiisip niya ang pamilya niya. Paulit-ulit nga niya akong tinatanong kung naiinip na ako (dahil minsan ay wala rin akong ginagawa) pero “hindi naman” ang lagi kong tinutugon. Pagkatapos nun ay maiinggit siya at sasabihing, “buti ka pa. Bakit hindi ka naiinip?” Sasagutin ko sanang “masarap gumawa ng wala” pero ang totoo ay mayroon akong ginagawa.

1. Magsight-seeing habang binibilang ang kotseng dumadaan. I-assume na 1,000 ang kotse sa Baguio, i-add ang mga dumarating at i-minus naman ang mga umaalis.

2. Kung kalalaba lang, tignan kung basa pa ang mga nilabhan. Kung tuyo na, tupiin. Kung basa pa, bumalik sa pagsa-sight-seeing.

3. Kung walang kotseng dumaraan, isipin ang tao/mga taong puwedeng isipin. Yung hindi ka maiiyak. (Ako, isipin mo. Kung makakatagal ang sikmura mo.) Parang ako, iniisip ko kung bakit “destined” kaming magkaklase ni (itago na lang natin sa pangalang) Destiny. Heheh, hindi ako naiinlab sa kanya (ewwz), pero naiinis lang dahil magkaklase kami sa apat na subjects ko. Kaya siya na lang parati ang kasama ko.

4. Kung nakakawalang-ganang mag-isip ng mga taong nakakadismaya, isipin na lang ang ibang mga taong nakakakuha ng atensyon mo, yung parang mga “cute” na nakikita mo sa skul.

5. Kung iisa lang ang mga mukha nila, huwag na lang mag-isip. Dahil hindi mo na nabilang ang mga kotseng dumaan. Magbilang na lang ng ibang puwedeng bilangin, gaya ng mag bato, para naman magamit mo ang mga pinag-aralan mong Natural/Counting Numbers sa number system.

6. Kung natapos na, bilangin muli. Tapos bigla mo na lang maaalalang magsulat ng ipopost sa blog. Iwanan na ang mga bato, maghugas ng kamay at sumulat ng walang kakwenta-kwentang post na gaya nito.

Kung may kaya ka naman, puwede kang magpa-unli at magtext na walang tigil. ‘Pag wala kang katext, mag-GM na lang ng kung anu-ano para naman di sayang ang niloadan. Para rin mapilit mo silang magpaload din. Promise.

Aah, alam ko na. Magnet ka na lang, buksan ang wordpress at ipost ang panibago mong post. Nabuburyo ka pa ba?

Hunyo 14, 2008. addictus, bored, gray scribbles, my own business.

Mga Puna

  1. grace ang tumugon:

    Goodluck diyan sa Baguio. =)

  2. nadine ang tumugon:

    hihi. waw. bute napapost ka!!^^ sabihin mo sa kasama mo eh, magbilang siya ng langgam.. para di xa mabato.. hehe. pagpasensyahan mo nalang.. msta naman??

  3. SuperPAURONG ang tumugon:

    ansayasaya naman ng buhay mo diyan.

  4. Mary Grace ang tumugon:

    Precious + Echos = Prechos. haha.
    hay buhay.

  5. lee-yow ang tumugon:

    Ü

    galing.

    pwede bang ipabilang na rin ung butil ng asin…

    pero kung gusto mong mas challenging…

    asukal…

    Ü

    g’luck!

Mag-iwan ng Tugon

Bakas-pabalik URI