Ow kumon!

Bumiyahe kami patungong Baguio para alamin kung makakapasok pa ako sa UP. Kahit na enrollment na noon ng BASS, tinanong ng mama ko kung may natitira pang slots sa BS Math. Meron pa raw. Kaya nagpa-medical check-up na muna ako. Matapos nun ay pumila sa waitlist. Binigyan ako ng tatlong opsyon: BS Math, BS Physics o BA Social Sciences (dahil ang mga kursong iyon na lang ang may natitira pang slots). Tingin ko ay duduguin ako sa BSP, at hindi ko hilig ang BASS, kaya pinili ko na lang ang BSM.

Are you sure? There’s no turning backs.

Oo. Sigurado na ako. Iniisip ko rin na maaaring maging Math teacher ang propesyon ko. (naku po!!!) Pero ayos na yun, ako na ang gagawa ng paraan para hindi maging ganon ang kahihinatnan ko.

Nagtungo na ako sa isang opisina (di ko alam ang pangalan) para mag-enroll sa BS Math. Tapos, inasikaso ko na ang schedule ko.

Hindi ko mahanap ang adviser ko para malaman kung block ako. Kaya gumawa na lang ako ng maayos na schedule.

Nung nagpa-enlist na ako ng mga subject ko ay naubusan na ako ng slots sa iba kong piniling subjects, kaya pinagsamasama ko ang mga “tira-tirang” subjects at gumawa ng schedule:

T

W

Th

F

Bio 10

7:00-8:30

 

Bio 10

7:00-8:30

 

Math 17

8:30-9:45

Math 17

8:30-9:45

Math 17

8:30-9:45

Math 17

8:30-9:45

BREAK

 

BREAK

 

Psych 10

10:00-11:30

Psych 10

10:00-11:30

BREAK

BREAK

Hist 1

1:00-2:30

Hist 1

1:00-2:30

Comm 1

2:30-4:00

Comm 1

2:30-4:00

Ang cute talaga ng sched ko, major subject lang ang aatenan ko sa Wednesday at Friday, samantalang lahat ng minor at yung major ay aatenan ko sa Tuesday at Thursday.

Titignan ko na kung magkano ang babayaran ko per unit matapos magpasa ng ITR ng mama ko:

P 600/unit; aabot ng P 12,000/sem kasama na ng iba pang mga bayarin

Daya naman, Wala pa ngang P 500k ang sahod ng mama ko, wala pang trabaho ang papa ko, tapos ilalagay ako sa Bracket B… anu ba yun! :-x

Di bale na, at least makakapasok na ako sa UP. (God, thanks talaga!! :D ) Lalo pang makukuba ang mama ko sa kakatrabaho dahil dalawa na kami ng kuya ko ang susustentuhan niya.

Mayo 9, 2008. gray scribbles, my own business, oble.

Mga Puna

  1. Padre Salvi ang tumugon:

    mabuhay ka, kapwa iskolar ng bayan. gudluck sa math17.

  2. Grace ang tumugon:

    //_-)Padre> pinakakaba mo ako lalo… sa psych10 ako mas knakabahan.

  3. chalkdust ang tumugon:

    Nays talaga. Galingan mo. Mukhang wala na ko magagawa. Hay.

  4. Grace ang tumugon:

    //_-)chalkdust> wala na rin akong magagawa. andun na yung card ko eh.

  5. chalkdust ang tumugon:

    hindi ko alam kung anung klaseng math ba yang nakapaloob sa math 17 na yan. tunog pa lang madugo na.

Mag-iwan ng Tugon

Bakas-pabalik URI