UP… Oh, YES!!!

Noong July 20, 2007, nagpasa ako ng mga requirements para sa nalalapit na UPCAT. Eto yung mga nilagay kong campus at courses:

First Choice

UP Diliman: BS Architecture, BS Math

Second Choice

UP Los Baños: BS Applied Math, BS Applied Physics

 

Makalipas ang 16 days ay kinuha ko ang breathtaking UPCAT, 6:30 ng umaga, sa malamig na teatro ng College of Engineering, UPD. Kulang na kulang ako sa paghahanda, kaya lubos akong nahirapan sa pagsusulit.

Noong Pebrero lang ay natanggap ko ang sulat na naglalaman ng aking resulta sa UPCAT. Non-qualifier na raw ako. Ngunit hindi nila inilabas ang UPG ko dahil may nakaligtaan daw akong ipasa.

Kaya nagpasa ako ng xerox copy ng diploma ko noong elemantary na may dry seal. Dinala rin ng itay ko ang totoong kopya ng diploma.

Noong April 25, kinuha ng kuya ko ang resulta ng aking UPCAT:

Language Proficiency Percentile……………………………………………………77

Reading Comprehension Percentile……………………………………………….77

Mathematics Percentile……………………………………………………………….96

Science Percentile………………………………………………………………………90

University Predicted Grade……………………………………..2.617

Puwede pa pala akong mag-apply sa ibang UP campus. Saang (mga) campus ba magsu-suit ang UPG ko? Ano pang mga kurso nila ang may slots pa? :(

Abril 27, 2008. gray scribbles, oble.

Mga Puna

  1. chalkdust ang tumugon:

    Colegge of Engineering,

    Since when pa nagkaroon ng dalawang G ang salitang COLLEGE???

    Grabe. Ang galing mo pala sa Language Proficiency at Reading Comprehension!!! Speechless ako. Wag kang magmalaki sa Science at Math mo.

    Tuwang-tuwa sya. Makakapasok na sya ng UP. Huhu.

  2. chalkdust ang tumugon:

    Pa-burger ka naman.

  3. Grace ang tumugon:

    //_-)>chalkdust pasensya na. kinarir ko ang pagsagot sa mga yon eh….. kaya di ko maabot sa sobrang taas… di pa ako sigurado kung magkakaroon pa ako ng slot sa upb… late na kasi kaming tumawag dun…. kung wala nang slot, sa pup na ko… :(

  4. chalkdust ang tumugon:

    PUP na lang. pra masaya tyong lahat!

  5. Grace ang tumugon:

    //_-)chalkdust> di ako masaya, malapit kasi eh… at….

  6. guest :) ang tumugon:

    ang galing ng Math moooo. :) mahilig din ako sa Math. Haha.

Mag-iwan ng Tugon

Bakas-pabalik URI