KALAYAAN?

Pilipino tayo.

Binigyan ng Maykapal ng pambansang wika: ang Tagalog.

Ngunit bakit ba ako nagpapakahirap sa pagsusulat ng Ingles kung wala namang masyadong tumatangkilik?

Panahon na upang tapusin ang paghihirap at pagdudugo, halina’t tangkilikin ang sariling atin!

(pahayag ng manunulat ng isang naluluging paskilan)

Abril 26, 2009. addictus, bored, buhay sa labas ng realidad, my own business. Mag-iwan ng puna.

hey.

pimp myspace - Gickr

Pebrero 4, 2009. gray scribbles. 3 mga puna.

corrections.

Using the definition of derivatives, show that the derivative of x^2/3 (x raised to two-thirds) is equal to 2/3x^1/3 (2 over 3 x raised to one third).

Whatever formula or series of computations you do; or even if you apply any concept of higher and complicated mathematics, x^2/3 (x raised to two-thirds) will never be equal to 2/3 x ^1/3 (2 over 3 x raised to one third).

Seems like everyone’s offline.

Pebrero 2, 2009. gray scribbles. 5 mga puna.

Math 53 ulet.

Naipasa ko ang kauna-unahang major ko: Math 101. Lahat naman sa amin e nakapasa.

Ginising ako ng alarm ko. 6:00. Hindi ako bumangon kaagad. Pero hindi ko hinayaang makatulog ulit, kasi baka mangyari na naman ang nangyari dati.

Nag-almusal, naligo, nagbihis. Hindi ko gaanong dama ang kaba, kasi tingin ko’y sapat naman ang pagrereview ko.

Unti-unti kong tinahak ang matarik at pataas na daan patungo sa unibersidad.

Pagdating sa KA bldg., nagreview ng kaunti, nagsolve, nagmemorize. Handa na nga talaga ako.

Exam. Napagtanto kong hindi pa pala ako gaanong handa. Habang pilit kong linuluwagan ang mga buhul-buhol sa pitong problems, lalo ko pa palang dinadagdagan ang buhol nito.

1. Using the definition of derivatives (naka-bold yan), show that x^โ…” (x raised to two-thirds) =2/3^โ…“ (tw0 over three raised to one third).

2. Given the function f(x)=(piecewise defined) *x^2 -7 if oโ‰คxโ‰คb *6/x if b<x; (a) find b so that the function is continuous at b,…(hindi ko na alam yung katuloy)

Grabe. Ang saya naman ng long exam na ito. Sasapat kaya ang score ko dito para “pambawi” sa unang exam na bagsak? hay…

Mambabasa, kapag nakapasa ako dito, ililibre kita. Totoo yun, planado na nga ang lahat, ang kailangan ko na lang malaman ay yung score ko. Abangan mo na lang ang lahat sa next post.

Enero 19, 2009. addictus, akads, math layp, my own business. 3 mga puna.

Loveless no more.

Natagpuan ko na SIYA.

Pananatilihin NIYANG buong-buo ang aking puso.

Hindi NIYA hahayaang masira ito ng “pag-ibig” na imitasyon lang.

Kahit na ilang ulit ko SIYANG pagtaksilan, hindi NIYA ako magagawang talikuran, bagkus ay maluwag pa akong tatanggapin.

Bukas na bukas ang KANYANG mga braso, kahit na hindi karapat dapat ay mahigpit na mahigpit NIYA akong niyakap. Ayaw ko nang kumawala pa.

Uuy, kinikileg… ‘wag kang mag-alala. Hinihintay ka rin NIYA. ๐Ÿ™‚

Enero 4, 2009. buhay sa labas ng realidad. 5 mga puna.

Agsasau ak manen.

Manong at manang, nais ko lang ibahagi ang mga nangyari sa akin ngayong taon:

Enero High school. Isang linggong pag-aayuno (na sinukuan ko rin kaagad).
Pebrero Balentayms. Power tripping ni Ma’am Aniana. Paghahabol ng mga requirements at extra curricular activities.
Marso Pagpapraktis ng graduation sa katirikan ng araw.
Abril Ang mismong graduation ceremony. Pangungulit sa UP na papasukin ako. At pangangalap ng iba’t ibang requirements sa enrollment.
Mayo Enrollment. Paghahanda sa pagtira sa bundok. Campus Harvest 2008.
Hunyo Simula ng second sem.
Hulyo Ipinanganak si Pia, anak ng aking kabahay.
Agosto Freshie night.
Setyembre Padigo (pagsasalu-salo ng mga freshies). Umpisa ng online preenlistment para sa second sem.
Oktubre Pagdagsa ng mga finals. Pagtatapos ng unang sem. Sembreak! Pagdalaw sa at ng iba’t ibang mga kaibigan.
Nobyembre Enrollment at simula ng ikalawang sem. Sem opener ng ENCM.
Disyembre Alumni homecoming. Pasiklaban. Birthday Niya. Birthday ko. Birthday ng kuya ko.

Patapos na ang taon. Napakaraming nangyari. Pero parang andaming kulang. At parang nasayang ko lang ang taong ito. Marami akong hindi nagawa.

Ngayon ay nagbabakasyon ang aming pamilya sa probinsya. Lumalabas na naman ang pagiging pasaway ko. At gabi-gabi na lang ay may nananakop sa utak ko.

“L….n l…..n……..l…………..n… …ooooooooooooo…….baaaa….”

Hay, madalas ko nang ipinagdarasal na matigil na ito, kasi unhealthy na.

ย 

Agtalna kan. Kailangan ko nang magbago. Hindi ko na ibibigay sa iba pang mga bagay ang panahon na dapat ay sa Kanya. Hindi pa naman huli.

Disyembre 29, 2008. gray scribbles, my own business. 4 mga puna.

Bakasyon.

Ansaya. Tapus na ang mabibigat na first LEs.

Bagsak ako sa Math. Nakakaiyak.

Hindi ko ba naman kasi sineryoso ang pagrereview.

Mukhang papasa naman ako sa iba.

At katatapos lang pala ng Pasiklaban. Giants parade, kasama ang faculty, varsity, iba’t ibang orgs, frats at soros pati ang mga orgless; rumampa sa kahabaan ng session road at nakapagdulot ng kabi-kabilang build-up ng mga kotse. Hahahah, kami ang bida ng gabi… ngek.

Inumpisahan ang mismong event ng Alpha Phi Omega sa kanilang Oblation run. Grabe, sandamakmak na camera ang natatanaw ko… nagchant lang sila, at hindi tumakbo. Tago ang identity ng ilan, ang iba naman eh walang takip sa mukha… pero conservative ang mga runners. Self explanatory na yun.

Nagperform ang iba’t ibang mga orgs, mga faculty ng College of Arts and Communication, College of Science at College of Social Sciences. Puro sayaw ang ginawa ng CAC at CS, at panay pagkanta at pang-ookray ang sa CSS. Pilit ko mang icheer ang aking kolehiyo, pero dabest talaga ang sa CSS. Tindi!

Nagperform ang mga bloc reps, Pagta, at USC. Rakrakan ng mga banda matapos nun. Pinilit kong tapusin ang event, na inabot hanggang 3:45. Sarado na ang bahay. Trapped ako sa labas. At patuloy ang pagyakap sa akin ng malamig na hangin.

Marami na ang nagsiuwian sa kani-kanilang mga lugar, ako naman ay tinatamad pang bumaba.

Naaaliw talaga ako sa kantang Decode na theme song ng Twilight. Hindi naman ako fanadik ng nasabing pelikula, pero ang kulit lang talaga ng pagkakanta ni Hayley… astig.

Sabihin niyo nang baduy, wala ‘kong paki. Jowk.

Nagpapasalamat nga pala ako kay Mary Grace sa mga sinulat niyang kakornihan (joke) sa blog niya. Nakakaasar lang kasi hindi ako nakapaghanda sa mga photoshoots. Saan kaya niya napulot ang December 16?

Maligayang Pasko sa lahat at Manigong Bagong Taon. Advance Happy Birthday na rin sa akin. ๐Ÿ™‚

Disyembre 18, 2008. addictus, aieee, akads, bored, gray scribbles. 5 mga puna.

Math 53.

Ika-8 ng Disyembre.

Past 6. Pinatay ko ang alarm kahit hindi pa ito tumutunog. Alas-dyes pa naman ang long exam. Sinulit ko ang sarap ng aking pagtulog.

7:30. Isang kakilala ang nagtext sa kabahay ko. Papunta na raw siya sa eskwela. Dahil sa exam. Lagot na. Alas-otso pala ang exam. Pero nagpatuloy pa rin ako sa pagtulog.

Bumangon na ako nang mag-aalas-otso na. Walang liguan. Walang laman ang tiyan. Nagbihis, inayos ang buhok na ginulo ng aking pagtulog, nagsepilyo. Pumunta na sa eskwela habang binabasa ang summary ng chapter 1 ng TC7. Bahala na.

Dumating ako sa IB104. Nag-eexam na ang lahat. Inabutan ako ng blue book at test questionnaire. Nag-umpisa na ako.

Nararamdaman ko ang paulit-ulit na nilalatigoย  ang utak ko habang binabasa at sinusubukang sagutan sa utak ang mga tanong.ย  Grabe, nosebleed.

Nakaengkwentro ako ng mga tanong na mukhang imposibleng sagutan. Nabubugbog na ang utak ko.

Unti-unting nadudurog ang utak ko habang pinipilit kong tapusin ang pagsusulit. Nauubusan na ako ng dugo.

Kinailangan na akong maconfine sa ospital pagkatapos ng exam. Pero tiniis ko na lang kasi kasalanan ko rin naman iyon at me pangalawang long exam pa naman.

Heheh… ๐Ÿ˜†

Disyembre 8, 2008. akads, my own business. 6 mga puna.

Busy-busyhan

There are a lot of things to prioritize than updating this blog.

See you sometime!!! (kapag sinumpong na ako ng pagsusulat) ๐Ÿ˜†

grasya has semi-permanently Signed Out. ๐Ÿ˜

Nobyembre 24, 2008. gray scribbles. 2 mga puna.

CompSci pips.

I hate them. I HAAATE THEM.

Ka-university. Ka-freshies. Pero hindi ka-course.

Sayang ang panahon mo kapag nakikipag”bonding” ka sa kanila. Sa oras na pinabayaan ka na nila, magsisisi ka na lang kasi yung time na yun e puwede pang ubusin sa pag-aaral ng TC7.

Hindi totoo na close ang Math at CompSci. Puwedeng mangyari, pero hindi talaga.

Maiba. Saka ko lang nabalitaan na nag-aaral dito sa UP Baguio ang isa ko pang kaeskwela noong haiskul. (itago na lang natin siya sa codename na Dudz) CompSci ang kinuha niyang kurso. Nakakainis, magiging isa na rin siya sa mga walang kakuwenta-kuwentang ka-bonding.

Nakakapagkuwento siya ng mga taong nasa Pasig, mga dati niyang kaklaseng nasa UAAP. Medyo interesting naman. Pero habang tumatagal, naaaksaya na ang panahon ko. Grabe. (pero hinihiling ko rin na maka-close ko siya ๐Ÿ˜† )

Sana makalipat na ako ng Diliman. Nakakaburyo na dito.

Nobyembre 19, 2008. gray scribbles. 3 mga puna.

Bagong Pahina »